Abante Tonite Interactive

Mga establishment tumugon sa utos na water treatment facility

By
234

Agad na umaksyon ang ilan sa mga establisimiyento sa lungsod ng Pasay na tugunan ang kakula­ngan sa wastong pagtatapon ng tubig sa pamamagitan ng pagpapatayo ng sarili nilang pasilidad para sa water at waste treatment. Nabatid na karamihan sa mga establisimiyentong iniutos na isara ng Laguna Lake Development Authority (LLDA), ang tanggapang nasa ilalim ng pamamahala ng Department of Environment and Natural Resour­ces (DENR), ay nabigyan ng babala noon pang Setyembre ng nagdaang taon kaya’t walang dahilan upang hindi nila matugunan ang nararapat na panuntunan.

Ilan sa mga binigyan ng ‘notice of closure’ sa Pasay City ang HK Sun Plaza, Tramway Bayview Buffet Restaurant, Gloria Maris Sharksfin Restauraunt, Euniverse Entertainment, D Circle Hotel, Malate Bayview Mansion, Summit Ice, Inc. at marami pang iba.

Related Posts

Sa ipinatawag na pulong-balitaan ni Lolita Borja, general ma­nager ng Euniverse Entertainment, ipinakita niya ang ipinatayo nilang water treatment facility na sinimu­lang gawin noong pang Nobyembre ng nagdaang taon at ginastusan ng milyong halaga ng salapi upang matugunan lamang ang panuntunang ipinaiiral ng LLDA at DILG. Bagama’t hindi pa aniya nasisimulan ang waste treatment na ipatatayo rin nila, handa na silang sumailalim sa panibagong ins­peksiyon ng LLDA upang patuna­yan na sumusunod sila sa inilatag na panuntunan ng mga ahensiya ng pamahalaan.

Ipinakita rin ni Borja ang ginawang pagsasara ng LLDA ng daluyan nila ng tubig na hindi nila ginalaw upang patunayan na handa silang sumunod sa mga panuntunan. Napag-alaman ng nagsimula na ring magpatayo ng kani-kanilang sariling water at waste treatment facilities ang ilan pang establisimiento sa lungsod ng Pasay upang matiyak na malinis ang tubig na dadaloy mula sa kanila patungo sa Manila Bay.

Sinabi pa nito na noong pang Disyembre 6, 2018 sila may pina­dalang notice hinggil ditto kaya’t agad silang tumugon sa kautusan ng LLDA.