Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga ET May Babala

0 159

Mga ka-#Misteryo ngayong nasa pandemya pa rin tayo ng Coronavirus Disease, maging ang mga Ekstra-Terestriyal o ET na kilala din sa tawag na alien ay tila may pahiwatig sa tao.

Yan ang ating paksa ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”

Hindi na bago kay Allan ng Taguig na makarinig ng mga balita tungkol sa mga ET dahil siya mismo ay nakaranas na rin ng pagpapakita nila hanggang sa makatagpo niya sa astral travel niya.

Noong una hindi siya makapaniwala na makita ang mga ET habang nasa labas siya ng kanyang katawan pero itinuturing niya ang mga nilalang na ito bilang mga kaibigan.

Mula noon hanggang ngayon ay karaniwan na niyang nakakaugnayan ang mga ET sa pamamagitan ng telepathy o sa tuwing lumalabas siya ng kanyang katawan sa pagtulog niya.

Misteryo: “Ano yung sinasabi mong may pahiwatig sila? Yung mga kaibigan mong ET?”

Allan: “May pahiwatig o babala sila ng mas matindi pang mangyayari pero Ayaw sabihin kung ano yun. Pinaghahanda lang nila ang tao. Ayaw ko matakot sa pahiwatig nila pero alam ko makakalagpas tayo.”

Misteryo: “Ano ba yan? Sakit na naman ba? Hindi pa tayo nakakalagpas sa Covid-19 meron na naman ba panibago?”

Allan: “Ayaw ko sila kulitin pero mukhang ganun na nga sadyang delikado sa mga panahon na ito. Kaya dapat maging alerto, maghanda at mag-Ingat tayong lahat.”

Misteryo: “May mga prediksyon na may iba pang mangyayari sa mundo mukhang may matinding kalamidad daw Ano ang Sabi dito ng mga kaibigan mo?”

Allan: “Matipid sila sa impormasyon. Hangga’t maaari Ayaw nilang magsalita dahil sumusunod lamang sila sa kanilang mga nakakataas.”

Misteryo: “Kung ganun Tama ka kailangan pa rin mag-Ingat at maghanda sa mga posibleng mangyari. Masyadong maaksyon ang taong ito sa mundo.”

Allan: “Ganun nga maghanda tayong lahat pero personally wag mawala ang pananalig natin sa Diyos.”

Para sa inyong mga kuwentong karanasan at impormasyon, mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph

Leave A Reply

Your email address will not be published.