Abante Tonite Interactive

Mga European team mag-eensayo sa NCC

0 213

Umagaw ng atensiyon agad sa mga foreign team ang bagong New Clark City Sports Complex na isa sa mga ginagamit para sa PH 30th Southeast Asian Games 2019 sa Luzon.

Ibinahagi ni Bases Conversion and Development Authority (BCDA) President at Chief Executive Officer Vivencio Dizon, na ilang team mula sa Central at Eastern­ Europe ang balak mag-training sa NCC bilang paghahanda sa 32nd Summer Olympic Games Olympics 2020 sa Tokyo, Japan.

“Right now, we have already been getting feelers from countries abroad who want to train in the New Clark City in preparation for Tokyo 2020 because they have to acclimatize, they have to practice in the heat, and they have to get used to the time zone. They’re already approaching us,” saad ni Dizon nitong Lunes sa press conference.

Ayon pa sa BCDA president at CEO, usap-usapan rin ang pagho-host ng Asian Swimming Championships sa bagong tayong pasilidad sa sports. (JAT)