Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga fan bilib kay Pogoy

0 117

Pasiklab agad sa pagbabalik ng 45th PBA Philippine Cup 2020 Linggo ng gabi sa Angeles University Foundation Sports Arena and Cultural Center sa Pampanga si RR Pogoy nang pumoste ng career-high 45 points, 10-of 17 sa three-point area.

Wagi ang TNT Tropang Giga 100-95 kontra Alaska Aces para sa first game sa bubble ng all-Pinoy conference sa pagpapahon ni Pogoy sa team na naiwan ng 17 points sa second quarter.

Napabilib naman ang mga fan sa social media sa ipinamalas na galing ni Pogoy.

“Galing ni Pogoy! Career high! Ang tunay na Playoff P! LOL! #PBABubble #PBATuloyAngLaban” sabi ng isang netizen sa Twitter.

Hirit pa ng isang fan, “Pag si Pogoy may hawak ilista mo na yan.”

“Hayp na Roger Pogoy ‘to, pa arbor ng kamay mo,” tweet naman ng isa pang netizen. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.