Abante Tonite Interactive

Mga fan ng BTS imbudo kay Katy Perry

418

Negatibo ang dating ni Katy Perry sa mga BTS fan o kung tawagin ay “Army” . Ito’y dahil sa mga naging hirit nito.

Parehong nag-perform ang Hollywood singer at ang BTS sa katatapos na 2019 Jingle Ball noong December 7 sa The BB&T Center.

‘Yun nga lang, hindi nagustuhan ng mga Army ang hirit ng singer na, siguro raw masaya ang mga Army.
Aniya, “most of you get to stay up late past your bed time.”

Dahil sa sinabi nito, marami sa mga BTS fans ang tumayo at umalis na ng venue. Sana raw ay tatapusin nila ang show out of respect to other performers.

Yung mga nag-stay naman ay binigyan si Katy Perry ng silent treatment at hindi nag react sa performance nito and even put down their ARMY xbombs to give her the “black ocean”.

Ilan sa nabasa naming comments ay may hashtag pa na do not mess with Armys. May mga nag-criticize talaga sa singer at timawag itong ignorante. Hindi raw ba nito alam na ang BTS fans ay hindi lang mga bata kung hindi nagri-range ang age from adults to children.

Sa isang banda, parehong wala pang reaction mula sa kampo ng BTS at gayundin sa camp ni Katy.