Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga fan ng Ginebra galit kay Thompson

0 191

Trending Martes si Philippine Basketball Association star Earl Scottie Thompson matapos mapaulat ang pagpapakasal sa ibang babae sa kabila na kaka-propose lang sa kanyang longtime girlfriend na si Pauline Fajardo.

Isang flight stewardess mula sa Pampanga si Jinky Serrano ang inasawa ni Thompson. Naganap ang pribadong kasalan sa unang linggo ng Hunyo sa Las Piñas.

Sa social media post, inamin ng Barangay Ginebra San Miguel player na siya ang may pagkakamali sa hiwalayan nila ni Fajardo.

“Ako reason ng hiwalayan namin, ako ang may mali ng lahat,” anang 27-anyos at may taas na 6-1 Davaoeño combo guard.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Lalaki kong tatanggapin ang lahat ng ibabato n’yo sa ‘kin,” parunggit naman niya sa mga basher.

Maraming fan ng Ginebra ang super dismayado sa ginawa ng basketbolista, may iba na gusto siyang i-trade sa ibang koponan.

“Being a diehard Ginebra fan is what’s making me so affected by all this. Scottie Thompson is the new era of Ginebra. He has become the soul of the team. And this happened. Sorry but I cannot stan someone who turned out to be so heartless. I wish he gets traded to another team,” giit ng isang netizen.

Giit naman ng isa “Petition for @manilacone to trade Scottie Thompson we don’t want to support cheaters like him.” (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.