Abante Tonite Interactive

Mga fan ng Lyceum nagmaktol sa pagkatalo

0 119

Nakuha man ng ­Lyceum ang 2nd seed sa stepladder semis ng NCAA Season 95 men’s basketball tournament ay isang malaking upset loss naman ang ibinigay sa kanila ng Letran Knights kahapon, 92-88.

Marami sa mga fan partikular na sa social media ang nainis at hindi matanggap ang pagkakatalo dahil inaasahan ng mga ito na may twice-to-beat advantage ang Lyceum.

“Akala ko lyceum beda sa finals e haha uwi na mga taga lyceum!” TWEET @kcruz030.

Pang-asar naman ang tirada ni @kcruz030, “talo lyceum HAHAHA manonood pa naman sana ako sa finals hahaha.”

“UPSET!!!! Akala ko twice to beat Lyceum hahahah,” sabi naman ni @patjeeeehhhh. (Aivan Episcope)