Abante Tonite Interactive

Mga fan ni Bea, Ateneo kalmado kahit natalo

316

By Fergus E. Josue, Jr.

HINDI kinakabahan ang mga fan ng Ateneo Lady Eagles, partikular ni middle blocker Bea De Leon, kahit naunahan sila ng UST Golden Tigresses sa best-of-three Finals ng UAAP Season 81 women’s volleyball tournament Sabado sa Big Dome.

Hinataw ng UST ang syraight sets victory 25-17, 25-16, 25-20 sa kabayanihan ni MVP Sisi Rondina pero hindi sila nababahala.

Papalo ang Game 2 ng serye sa Miyerkoles, Mayo 15, sa Araneta Coliseum pa rin at umaasa ang mga fan ng Lady Eagles na makakatabla ang kanilang favourite team para makahirit ng knockout Game 3.

“Pinipilit kong intindihin kung bakit may mga taong nagdududa sa kakayahan mo at hindi pa rin makita kung anong iba sayo. Hayaan mo sila, ipakita mo lang yung dapat nilang makita. Hold your head up, Isabel. Trust Him, you’ll get the exit you deserve. #BeAsOne #ONE81GFIGHT,” tweet ni poohkry (@JhowBeyuhRdee).

Para naman kay Twitter user Bunny (@happybeadel), naniniwala itong babawi ang Ateneo. “BABAWI YAAAN trust our mantra “FAITH TRUST COU-RAGE”. Basta patuloy natin sila supportahan, all out ulet tayo sa wednesdayy. #BeAsOne,” tweet nito.