Abante Tonite Interactive

Mga fan ni Bea nasaktan sa sinabi ni Gerald

By
6,597

Hindi pa masabi ni Ge­rald Anderson kung nasa punto na siya ng buhay niya na masasabi niyang natagpuan na niya ang ‘perfect’ person para sa kanya.

Sey ni Ge, “Ano pa siya eh, parang journey pa siya. Kumbaga, bilang lalaki, ang dami ko pang goals, ang dami ko pang kailangang gawin. Medyo provider pa rin ako, so may mga ibang priorities pa.

“Ayokong maging selfish din sa tao. As a person, wala pa ako du’n sa ganu’ng state of mind, wala pa ako sa ganu’ng pag-iisip. Pero sana, sana. That’s what we always hope for, pero journey pa siya.”

Ang karelasyon ngayon ni Gerald ay si Bea Alonzo.

Nagreak ang ilang fans ni Bea sa sinabi ni Gerald na ‘journey’ pa ang present relationship nito.

Ang ibig daw bang sabihin ni Gerald ay hindi pa si Bea ang babaeng hinahanap nito? Ang sakit daw pakinggan nu’n for the girl, na hindi makasagot ‘yung lalaki ng simpleng oo o hindi.

In fairness ay wala naman kaming nakitang masama sa sagot ni Ge at nagpakatotoo lang ito na marami pa siyang gustong gawin at wala pa sa isip niya ang mga gano’n.
Ang importante ay masaya silang dalawa ni Bea ngayon. Kung mauuwi sa kasalan ang lahat ay panahon lang ang makapagsasabi.

Nakakatuwa na maging si Bea ay supportive sa movie ni Ge with Pia Wurtzbach na My Perfect You at pino-promote pa ito ni Bea sa social media.

***

Si Pia ay halos ganu’n din ang sagot kay Gerald.

“Hindi ko pa po masasabi ‘yon dahil marami pa po akong gustong gawin at gustong ma-experience.

“And with regards to my personal relationship with my…with him, maaga pa rin naman para sabihin ko na ‘yun na ‘yung perfect for me.

“Pero sana. I think sa lahat naman, parang sana, ‘yun na talaga ‘yon. Pero I won’t be able to really say that until I get married. So, I hope so,” bulalas ni Miss Universe 2015.

Ang nobyo ni Pia ay ang professional car racer na si Marlon Stockinger. Ilang beses nang napabalitang nag-break ang dalawa, pero in fairness ay sila pa rin hanggang ngayon.

For sure ay suportado rin ng hunky boyfie ni Pia ang kanyang first lead role in a movie na matagal niyang inasam-asam at ngayon lang dumating.

Directed by blockbuster director Cathy Garcia-Molina, today ang showing ng My Perfect You in cinemas nationwide.