Abante Tonite Interactive

Mga fan ni Britney nagprotesta

458

Ang mga tagahanga ni Britney Spears ay nagtipon sa mga kalye sa labas ng West Hollywood City Hall na may mga dalang placard at mga poster na ang nakasulat ay “Free Britney.”

Hinihiling ng kanyang mga tagasuporta na palayain mula sa isang pasilidad sa kalusugang pangkaisipan ang idolo nilang mang-aawit. Mariin nilang iginigiit na dinala siya sa nasabing facility na labag sa kanyang kalooban.

Siniguro naman ni Britney na nasa mabuti siyang kalagayan at malapit na siyang bumalik sa limelight sa lalong madaling panahon.

Ang 37-taong gulang na entertainer ay idinaan sa kanyang Instagram account noong Martes na may isang maikling video clip para ipaalam sa kanyang mga tagahanga ang pinakabagong update sa kanyang personal na buhay.

“I wanted to say hi, because things that are being said have just gotten out of control!!! Wow!!! There’s rumors, death threats to my family and my team, and just so many things crazy things being said. I am trying to take a moment for myself, but everything that’s happening is just making it harder for me,” paliwanag ni Britney.

Inakusahan pa rin niya ang kanyang dating manager, si Sam Lutfi, ng pagkalat ng maling impormasyon… “Don’t believe everything you read and hear. These fake emails everywhere were crafted by Sam Lutfi years ago… I did not write them. He was pretending to be me and communicating with my team with a fake email address.”

Tinapos ni Britney ang kanyang mensahe na may malaking pag-asa…

“My situation is unique, but I promise I’m doing what’s best at this moment … You may not know this about me, but I am strong, and stand up for what I want! Your love and dedication is amazing, but what I need right now is a little bit of privacy to deal with all the hard things that life is throwing my way. If you could do that, I would be forever grateful. Love you … ,” mensahe ni Britney.

Siniguro ng boyfriend ni Britney, ang model na si Sam Asghari, 25, noong Martes na walang dapat ipag-alala ang mga tagahanga ng kanyang nobya tungkol sa kapakanan ng mang-aawit, sa gitna ng mga akusasyong nagpapahiwatig na laban sa kalooban nito ang pagpasok sa isang mental health facility.

“She’s doing amazing,” paniniguro ni Asghari. “Nobody needs to worry.
She’ll be back soon,” dagdag pa niyang pahayag.

Napag-alamang si Britney ay sandaling lumabas sa nasabing facility noong nakaraang Linggo para magpaayos ng buhok sa isang salon sa Los Angeles, pero bumalik din siya kaagad.

Noong Linggo ay muli siyang nagpaalam para makasama ang kanyang boyfriend pero bumalik ulit siya sa loob ng facility at hanggang sa mga oras na ito ay nasa loob pa rin siya ng health facility. (Lourdes Fabian)