Abante Tonite Interactive

Mga fan ni Lustre tutol na kontrabida ni Julia

1,040

So, hindi naman pala totoong ‘­frozen delight’ si Nadine Lustre after ng contract issue niya with Viva dahil heto’t meron siyang bagong teleserye sa ABS-CBN.

Ang sabi sa amin ay part ito ng network contract ni Nadine na Viva ang nagsara.

Makakasama siya ni Julia Montes sa “Burado (Erased)” na nasa cast din sina Paulo Avelino, Zanjoe Marudo at ang Thai actor na si Denkhun Ngamnet.

Actually, ­kakatapos lang ng ­competition show na “Your ­Moment” na isa si Nadz sa judges at ngayon ay meron agad siyang bagong show.

Medyo narereak ang fans ni Nadine ­dahil baka raw kontrabida ito sa “Burado” na mukhang ang nagbabalik na si Julia ang bida.

Hirit ng supporters ni Nadz, hindi puwedeng kontrabida rito ang kanilang idolo ­dahil comeback nito sa primetime teleserye after ng “Till I Met You” nila ng ex-boyfriend na si James Reid na 3 years ago na.

Dapat daw ay bongga ang balik-teleserye ni Nadine at bida pa rin dapat ito, hindi puwedeng ­ma-demote ito sa pagkakontrabida.

May nag-comment din na dapat daw yatang mag-wokshop si Nadz dahil mukhang mapapa­laban ito sa aktingan sa mga kasamahan nitong artista.

Depensa naman ng tagapagtanggol ni Nadz, may acting awards ang aktres na ­nagpapatunay na mahusay itong umarte at hindi ito magpapakabog sa iba.

Bukod sa may hunky Thai leading man sa “Burado” ay may location shoot din daw ito sa Thailand, India at ­Cambodia.

Montes tsugi agad

Ratsada si Julia Montes, na hindi pa man nagsisi­mula ang weekly show nitong “24/7” ay meron na agad itong nakalinyang teleserye na “Burado”.

Tila bumabawi ang comebacking actress sa panahong bigla na lang siyang nawala sa eksena, na walang may alam kung saan siya nagpunta at anong ­ginawa niya.

Hindi pa pala sa Sunday, Februaury 16 kundi sa Feb. 23 pa ang simula ng ‘viruserye’ ni Julia na “24/7”.

How true na sa pilot episode pa lang nito ay tsugi na agad ang karakter ni Julia na female security guard? Ang mangyayari yata ay puro flashback ang mga susunod na episodes.

In fairness ay parang balik na ulit ang ­dating ningning at ganda ni Julia base doon sa ­nakita naming pics sa ­storycon ng “Burado”.

Pero may mga nakapansin na tila lumaki raw ang boobs nito at very prominent sa suot nitong hapit na tank top.

May malisya ‘yung mga comment na mukha raw nursing mom si Julia, kasi nga ay wala pa ring linaw ‘yung isyu kung totoo nga bang nanganak siya o hindi.
PAK!!