Abante Tonite Interactive

Mga fencer eeskrima ng medalyang ginto sa SEAG

0 77

Target makaespada ng medalyang ginto ng natonal fencing team sa 30th Southeast Asian Games 2019 sa bansa sa darating na Nobyembre ­30-Disyembre 11.

Hangad ng mga Pinoy na doblehin ang overall championship na nakamit ng bansa sa sport na mula sa PH 2005 SEA Games kung saan nakatagpas ng ­tiglimang ginto’t pilak at dalawang tanso.

“That´s our aim. We are targetting three to four golds. We want all our fencers to win medals. If not the gold, then a silver or bronze,” pahayag ni coach Rolando Canlas Jr. Martes ng umaga sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Amelie Hotel-Manila sa Jorge Bocobo, Malate.

Gaganapin ang SEA Games fencing sa World Trade Center sa Pasay City sa Dec. 3-8 kung saan 12 gold medals ang paglalabanan ng siyam na bansa para sa men’s at women’s individual at team events ng foil, epee at sabre.

Kumpiyansa si Canlas, gold at bronze medalist sa 2005 SEAG, na magpapakitang gilas ang 24-member national squad sa sa 11-nationa, 12-day biennial sportsfest.

“With help from the Philippine Sports Commission, they were provided with everything from foreign exposure, foreign coach, nutrition, conditioning and sports psychology. They are all excited,” dagdag niya sa talakayang mga hatid ng San Miguel Corp., Braska Restaurant, Amelie Hotel-Manila, at Philippine Amusement and Gaming Corp. o Pagcor.

Nasa session talakayan din sina ­fencers Noelito Jose Jr., Nathaniel Perez, CJ Concepcion, Nicole Cortey at reigning Asian Under-23 champion Samantha Kyle Catantan. (JAT)

Ibinahagi rin ni Canlas ang full support ng government at top fencing officials sa pangunguna ni Ormoc City Mayor Richard Gomez at Celso Dayrit para sa koponan.

Matapos ang major overseas competitions katulad ng Asian at World championships, at intensive training sa South Korea nitong Sept. 3- Oct. 3., lalaban pa ang national squad sa Taiwan Open sa Nov. 14- 18 bilang paghahanda rin sa SEAG.

“They really improved a lot. The confidence level is very high. When we compete overseas, even the Koreans are now taking videos of our fencers,” wakas ni Canlas.