Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga Fil-Am dadagsa sa draft

0 123

Liliit ang mundo ng mga homegrown player sa 37th Philippine Basketball Association (PBA) 20201 Rookie Draft dahil sa inaasahang pagpasok ng maraming Pilipino-foreigner, gaya ng Fil-Am dahil sa pagluluwag sa patakaran.

Itinakda ng pro fessional league ang tradisyunal na draft para sa mga baguhang nais tumapak o maglaro sa 12 miyembrong koponan sa darating na Enero 2021. Ilan sa inaasahang papalaot ay sina San Miguel Alab Pilipinas guard Jason Brickman, La Salle high-flyer Jamie Malonzo, at 3×3 players Alvin Pasal at Joshua Munzon.

Ayon nitong Linggo kay PBA commissioner Willie Marcial, hindi puwedeng kanselahin ang pinakaunang event kada taon ng liga sa pagtatanghal sa bagong grupo ng mga bagito matapos ang restart ng 45th PBA Philippine Cup 2020 sa Oktubre 11 sa Clark Freeport Economic Zone.

“Gahol lang tayo sa panahon pero siguradong itutuloy natin ‘yan. Siguro sa January na natin gawin ‘yung draft para sa Season 46,” ani Marcial. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.