Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga Fil-Am pinalugitan

0 103

Binigyan ng PBA ang Fil-foreign draft applicants na kulang pa ang papeles ng hanggang March 5 para makumpleto ang mga kinakailangang dokumento.

“Nabalitaan ko kasi, nasa US pa sila (players), hindi makabiyahe dahil may COVID, hindi maayos mga papeles,” paliwanag ni commissioner Willie Marcial Huwebes. “Sinabi ko sa Board, pumayag naman na bigyan sila ng extension.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Mula sa record na 31 Fil-foreign players na nagsumite ng application, 18 ang hindi pa nakakumpleto ng papeles.

“Pero hindi na tayo tatanggap (ng applicants), ‘yung mga andito na lang at nakapag-submit,” hirit pa ng opisyal. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.