Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga fish trader nagpasaklolo

0 226

Nagpasaklolo sa Anti-Red Tape Authority (ARTA) ang grupo ng fish traders sa Navotas na mailabas o makuha ang kanilang mga panindang ‘imported frozen fish products’ na may anim na buwan nang nakatengga sa storage sa Navotas Fish Port.

Sa pressconference sa Quezon City nitong Miyerkules ay humarap sa media ang grupo ng fish traders na kinabibilangan nina Richel Joy Amor, Jessie Narciso, Nerissa Buenaventura, Nenita Adalin, Ramon Ramos, Merlin Tumalad, Gary Veliganio, Nenita Adalin, Trinidad Narciso, Carl Princess, Liberty Gatchalian, Lorena Bauza, Jealin Santiago at Jacquelin Cantilang.

Ayon sa grupo, mula pa noong Oktubre 2020 hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin umano sila pinapayagan ng Business Permit and Licensing Office (BPLO) na mailabas sa storage ang kanilang mga kalakal na ibat ibang uri ng isda na mahigit kumulang sa 20 tonelada, gayung kumpleto naman umano sila ng mga dokumento.

SM food to go Banner Ad

Ilang ulit na umano silang dumulog sa BPLO upang payagang ilabas ang kanilang mga ‘fish stocks’ na nasa storage ng Navota Fish Port pero patuloy namang tumatanggi ang mga opisyal sa hindi malamang dahilan.

Dahil dito ay umaapela ang grupo ng fish traders sa kanilang alkalde na magpalabas na ng kautusan sa BPLO para makuha ang kanilang mga fish products at madala na sa merkado. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.