Abante Tonite Interactive

Mga flight sa NAIA, sa Terminal 1 na lang

0 667

Simula sa Sabado, isa sa tatlong international passenger terminal ng Ninoy Aquino Inernational Airport (NAIA) ang bubuksan sa mga flight operation dahil sa dumagdag na pansamantalang suspenyon ng mga international carrier dahil sa COVID-19.

Ayon kay MIAA General manager Ed Monreal, ang NAIA Terminal 1 ang bubuksan sa mga flight operation simula alas-12:01 ng umaga ng Marso 28, 2020 para sa mga international flights ng Gulf Air, Korean Airlines, Asiana Airlines, China Airlines, Hong Kong Air, Eva Air, Japan Airlines, Jeju Air, All Nippon Airways, Cathay Pacific, Qatar Airways , Singapore Airlines at Royal Brunei.
Ang Oman Air ay hindi na nagbiyahe kahapon habang ang Singapore Airlines at Royal Brunei ay nagpahayag na sa Marso 29 pa ang tigil ng kanilang byahe pagpasok at palabas ng Pilipinas.

Matapos ang konsultasyon ni MIAA General Manager Ed Monreal sa mga Airline Operators Council (AOC) at sa mungkahi ni DOTr Secretary Arthur Tugade na i-minimize ang exposure ng mga airport workers habang patuloy ang operasyon sa NAIA.

Kaugnay nito, nag abiso na ang flag carrier Philippine Airlines sa suspension ng kanilang mga international flight operations simula noong March 26 na kung saan ang kanilang huling flight ay ang Manila- San Francisco (PR 104 at ang PR 102 patungong Los Angeles at ang balik ng mga ito ay sa Marso 27.

Ang mga international flights na tumigil na sa operation ay ang sumusunod: Cebu Pacific, Philippine Airlines, Air Asia, Delta Airlines, United Airlines, Qantas Airways, Turkish Airlines, Emirates Airlines, KLM, Air China, Air New Guinea, China Eastern, China Southern, Ethiopian Airlines, Jet Star Asia, Kuwait Airlines, Malaysian Airlines, Saudia Airlines, Royal Brunei Airlines, Thai Airways, Tiger Airways, at Xiamen Airlines.
Matatandaan na una ng sinara ng MIAA ang NAIA Terminal 4, Terminal 2 domestic wing at Terminal 3 domestic, makaraang ipatupad ang ban sa domestic air travel na inutos ng the Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).

Dahil dito, nagpalabas ng Notice to Airmen (NOTAM) ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) para bigyan inpormasyon ang mga piloto sa buong mundo na ang NAIA Terminal 1 ang tanging bukas s mag flight operation habang nasa Enhanced Community Quarantine ang buong Luzon (Otto Osorio)