Abante Tonite Interactive

Mga flight sa Wuhan, China suspendido

294

Sinuspinde ‘indefinitely’ ng Civil Aeronautics Board (CAB) kahapon ang mga direktang flight papunta sa Wuhan, China kasunod ng ulat na dito nagmula ang bagong strain ng coronavirus o 2019-nCoV na ikinasawi ng 17 katao at nakahawa sa may 600.

“Minarapat na suspindihin muna ang flights dun [Wuhan] kasi may flights na … sa Philippines so effective today suspendido lahat nung flights between Wuhan and Philippines,” ayon kay Atty. Carmelo L. Arcilla, director ng CAB.

Sinabi ni Arcilla na may 8 flights ang lumilipad papuntang Wuhan kada linggo ng Pan Pacific at Royal Air. (Juliet de Loza-Cudia)