Abante Tonite Interactive

Mga FOOD na nakaka-GOOD MOOD!

379

Julius Segovia

julius-segoviaStressed ka ba sa trabaho? Loaded ka ba ng school works? Kapag nega vibes, madalas tayong lumalabas para mag-unwind.

Kung minsan, kakain tayo ng paboritong pagkain na kung tawagin nati’y ‘comfort food’. Oras na malasahan ang fave dish, sure akong mababawasan ang stress level.

Talaga naman palang may mga pagkain na nakaka-good vibes o ‘yung pamparelax.

Una na ang mani o peanuts. May chemical content itong selenium na nagpaparelex at nagpapalakas sa atin. Mataas din daw ito sa good fats at Vitamin E na isang antioxidant kaya maganda rin sa balat. Sabi pa ng mga eksperto, brain food din ang mani kaya nakapagpapatalas daw ito ng me­morya. Mainam mamapak nang mani habang nagrereview, Tiyakin lang na huwag sobra-sobra.

Nakapagpapaganda rin ng mood ang gatas o ice cream. May mga bitamina at amino ­acids ito na nakapagpaparelax sa atin. Para manatiling fit and sexy, skimmed milk ang inu­min.

Sa mga mahihilig sa dark chocolates, you’re on the right track. Ayon sa mga eksperto, nakapagpapataas ng lebel­ ng endorphins sa katawan ang tsokolate. Ang endorphins ay natu­ral hormones na nagpapasaya sa atin. May taglay ding flavonoids ang dark chocolates na mabuti sa ating puso.

Sa mga mahihilig­ mag-tsaa, piliin ang chamomile flavor. Pamparelax ang tsaa na ito. Magiging mahimbing din ang pagtulog kapag uminom ng chamomile herbal tea.

Nagpaparelax din sa atin ang saging. May sangkap itong trytophan na nagi­ging serotonin sa ating katawan. Nagpapasaya ang serotonin. Mayaman din sa potassium at Vitamin B ang saging. Pati pala ang amoy ng mansanas at iba pang prutas gaya ng mangga at orange ay nagpapakalma rin ng ating emosyon.

Nakapagpapasaya rin ng ating mood ang carbohydrates gaya ng kanin, suman at spaghetti. Ang carbohydrates at nagpapataas din ng serotonin levels­ na nagpapakalma sa ating emosyon. Para mas fit, piliin ang healthy carbohydrates gaya ng wheat bread, brown rice at mga gulay.

Ang sa akin lang, mas mainam pa ring kumonsulta sa mga eksperto lalo na kung kalusugan na ang nakataya.