Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga frontliner binusog ni Huelgas

0 273

Ginugol ni two-time Southeast Asian Games men’s triathlon champion Nikko Bryan Huelgas ang pagdiriwang ng kanyang 29th birthday kahapon sa pagpapatsibog sa mga frontliner ng COVID-19.

May 200 packed meals na hinanda ng Chooks-to-Go ang pinamudmod ng 2015 Singapore, 2017 Malaysia SEAG champs at Las Piñas native sa kanyang tirahan sa nasabing lungsod.

Si Huelgas din ang tagapangulo ng Athlete’s Commission ng Philippine Olympic Committee o POC. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.