Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga frontliner hirit dobleng suweldo gaya sa PNP

0 65

Iginiit ng mga health worker kay Pangulong Rodrigo Duterte na taasan ang kanilang suweldo katulad ng ginawa nitong pagdoble sa sahod ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay Robert Mendoza, presidente ng Alliance of Health Workers (AHW), hindi pa natatanggap ng mga health worker mula sa 10 pribadong ospital sa Metro Manila ang kanilang mga special benefit dahilan kaya sila nag-walkout.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Sana dagdagan at itaas ang sahod both public and private health workers. Kung nadoble ni Pangulong Duterte ang sahod ng mga kapulisan, sana sa panahon ng pandemya, magkaroon siya ng political will na doblehin ang sahod ng ating health workers,” ayon kay Mendoza. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.