Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga gabinete sabayang manunumpa kay BBM

0 89

Magkakaroon ng mass oath-taking sa Malacañang ang mga miyembro ng gabinete ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. pagkatapos ng panunumpa nito sa National Museum.

Ito ang nabatid kay Franz Imperial, isa sa namamahala sa paghahanda para sa inagurasyon ni Marcos ngayong huling araw ng Hunyo 2022.

Umaga ng Huwebes ay magaganap ang tradisyonal na pagkikita ng paalis na pangulo at ang papalit dito sa Malacañang. Bibigyan si Pangulong Rodrigo Duterte ng departure honor.

Sa halip na isang sasakyan ay magkaiba umanong sasakyan ang gagamitin ng dalawa sa pagpunta sa National Museum sa Maynila.

Magsisimula ang inauguration ceremony sa pag-awit ng Lupang Hinirang na susundan ng Ecumenical/Interfaith prayer at military-civic parade.

SM food to go Banner Ad

Matapos ito ay babasahin ng Senate President ang joint resolution ng dalawang kapulungan ng Kongreso na naghahayag ng panalo ni Marcos sa katatapos na halalan na susundan ng panunumpa nito sa tungkulin alas-12:00 ng tanghali.

Susunod na ang inaugural speech ni Marcos.

Ang inaugural song na “Pilipinas Kong Mahal” ay kakantahin ni Cris Villonco at ng Young Voices of the Philippines choir.

Matapos ang seremonya ay pupunta na si Marcos sa Malacañang para sa mass oath-taking ng mga kinuha nito sa kanyang gabinete.

Bukod sa inaugural dinner sa Malacañang, magkakaroon ng People’s Concert na bahagi ng thanksgiving activity. Ang Philippine Philharmonic Orchestra, ang isa sa nangungunang orchestra sa bansa at si Cecile Licad, na isang premyadong classical pianist ay tutugtog sa naturang konsiyerto. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.