Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga gabinete tinapyasan ng werpa sa paggastos

0 99

Binasura ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang probisyon ng P4.5 trilyong 2021 national budget.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na kabilang sa vineto ng pangulo ang kapangyarihan ng ilang departamento ng gobyerno na panatilhin at gamitin ang kanilang kinita o nakolekta sa halip na ibigay sa National Treasury.

“Dapat lahat ng kinikita ng ahensiya ay pumasok sa National Treasury at kinakailangang ang paggastos dito ay sang-ayon sa national budget,” ani Roque.

Kasama din dito ang paggamit ng infrastructure-related expense para maiwasang madoble ang pagpondo sa mga ito, pagpapatupad ng financial assistance sa mga lokal na pamahalaan, gayundin sa rice subsidy at agarang pagbibigay at paggamit ng disaster fund.

Maging ang pagbibigay ng allowance, benepisyo, at paggamit ng quick response fund ay hinigpitan ng pangulo, kabilang na dito ang pagtukoy ng program beneficiary, pagtatayo ng evacuation center, pagpapatupad ng service contacting at pagpondo ng foreign-assisted project.

“Muling nagpaalala si Presidente na ang national budget ay shared fiscal responsibility. Hinimok niya ang Kongreso nan kailangang itama at transparent ang pag-manage ng pondo ng taumbayan base sa sound fiscal policies,” dagdag ni Roque. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.