Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga gay manager nahumaling sa alagang aktor

0 150

ROMMEL PLACENTE: Marami sa mga talent manager ang nai-in love sa kanilang mga alaga.Katulad na lang ng isang bading na movie producer-manager, na umano’y na-in love sa kanyang alagang dating sexy actor.Gwapo naman kasi talaga ito,bukod pa sa maganda ang pangangatawan.Kaya nahulog nga ang loob umano sa kanya ng movie produ.Di naman kasi maiiwasan na mangyari ‘yun kung laging magkakasama ang isang talent manager at kanyang alaga. Posible talagang ma-develop ang feelings.

Ang guwapong sexy actor ay dati rin alaga ng isang gay director. Ito ang una niyang manager.Sila ang unang nagkakatikiman.

RODEL FERNANDO:Hindi na mabilang ang ganyang pangyayari na nagaganap sa talent at manager. Mas madami sa bading na manager at talent na lalaki. Isang kilala naming gay na nagha-handle ng talents ang nainlab sa kanyang alaga. As in, iniyakan pa niya ang guy nang iniwan siya. Bukod kasi sa matagal na niya itong talent ay nagkaroon pa sila ng relasyon na bumilang din ng taon.

May isa pang pamosong gay talent manager na nahumaling sa kanyang alagang lalaki. Kumpara sa unang nabanggit namin ay hindi agad nagkahiwalay ang dalawang ito. Tumagal ng ilang dekada ang kanilang espesyal na samahan. Hanggang ngayon ay okey pa rin sila kahit magkaibigan na lamang.

Meron pa mga Ka-Cuatros, ang pangatlong gay manager naman ang bi ko. Kuwento naman nila ng kanyang alagang guy ay hindi rin masalimuot tulad ng unang blind item ko. Mukha kasing may soft spot na sa puso ni lalaki si talent manager. Hanggang ngayon kasi ay maganda ang samahan nila. Tanggap ni bading kung sinomang babae ang makarelasyon ni guy. Wala siyang angal basta huwag lang beki ay okey sa kanya. Masyado siyang understanding kaya hindi siya iniiwan ni guy na sikat ng aktor.

MILDRED BACUD :Agree ako mga ka-Cuatros na hindi talaga maiiwasan manager talent relationship.Mostly lalaki sa gay manager nangyayari ito.Actually it’s an open secret sa showbusiness ang mga ganutong ganap. Kadalasang dahilan ay pera at kasikatan. Tulad na lamang ng aktor na minsan naging close namin. Kahit pa existing ang kontrata sa dating manager na kaibigan namin, iniwan niya ito. Walang nagawa ang kawawang dating manager kundi umiyak.Naghirap, at umuwi na lamang sa probinsya pero may masaklap pang nangyari, nagkasakit ng malubha.

Few years ang lumipas, si aktor pinagsawaan din ng kanyang manager-executive .Pinagpalit siya sa baguhang artista. Ang dating masiglang career ni aktor ay nawalang parang bula. Andyan pa rin naman siya sa showbiz pero one of those na lamang ang natatanggap na projects. Wala talagang permanent. Masakit na ang mga ganitong relasyon na ang pundasyon ay pakinabang, wala talagang nagtatagal.

ROLDAN CASTRO: Naku may latest, isang fashion designer-talent manager ang sobrang in love ngayon sa baguhang male actor.

Hindi na maawat ang feelings ng controversial manager na ito. Mahaba naman kasi ang hair niya at girl na girl. pag nakakasama ang promising actor. Hitsurang parang napapagiliran siya ng mababangong rosas pag katabi ang alaga.

Dahil dito, ganado si beki na hanapan ng movie, photoshoot at endorsement ang ma-appeal na aktor.

Zino zila?

Pero hindi lang naman gay talent manager at aktor ang nagkakaroon ng relasyon.

Di ba ‘t nagkaroon ng baby si Mark Herras sa kanyang handler?

Meron ding isang lady manager na feeling niya ay husband niya ang isang male celebrity na kilala rin sa larangan ng sports. Ang ending naghiwalay sila

Meron din chism na isang lady manager-producer ang ka-pomyangan ng dati niyang alaga na female sexy star.
Pero ang hindi malilimutang istorya na relasyon ng isang aktor at gay manager ay ‘yung humantong sa saksakan.

Ang dialogue lang ng talent manager noon “Alam ng Diyos, alam ni Kuya Germs asawa ko siya.”

Talbog!Bwahahaha!

Leave A Reply

Your email address will not be published.