Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga gobernador hinirit makabili bakuna

0 97

Umapela na rin sa gobyerno ang League of Provinces of the Philippines (LPP) na payagan ang mga local government unit na direktang makipagnegosasyon sa mga supplier ng bakuna kontra COVID-19.

Inihayag ito ni Marinduque Gov. Presbitero Velasco Jr., national president ng LPP, sa pagdinig ng House committee on health kaugnay sa vaccine program ng gobyerno, nitong Lunes ng umaga.

SM food to go Banner Ad

Aminado si Velasco na dadaan sa national government ang pagbili ng bakuna subalit nais umano nila ng “clear authority” para direktang makipag-usap sa mga supplier.

Ayon pa kay Velasco, nais lamang nilang matiyak na ang bakunang bibilhin ng mga LGU ay mapupunta sa mga kababayan nila. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.