Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga golf worker inayudahan

0 159

May 1,415 golf caddies, golf workers at mga empleyado sa limang major golf club sa Metro Manila na mga apektado ng COVID-19, ang nakatanggap ng ayuda na umabot sa P7.075M sa ilalim ng cash assistance program ng gobyerno.

Piinamigay ang cash aid ng Department of Tourism (DOT) at Department of Labor and Employment (DOLE), na parte ng second tranche ng Bayanihan 2 Act kung saan may P3.1B direct cash assistance ang inilaan sa mga displaced worker kabilang na ang mga nasa informal sector ng tourism industry.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pinangunahan ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat nitong Huwebes ang virtual ceremonial awarding ng mga certificate sa DOT-DOLE Cash Assistance Program. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.