Abante Tonite Interactive

Mga good samaritan sa panahon ng sakuna

0 258

Ginulantang ta­yong lahat sa biglaang pagsabog ng Bulkang Taal.

Sa isang iglap ay marami itong binagong buhay.

Mga taong dati’y hayahay ang pamumuhay dahil sa simple nilang buhay.

Pero ­dahil sa pagputok ng Bulkang Taal ay na­ngangapa na sila dahil apektado ang kanilang tirahan habang ang iba pa ay damay ma­ging ang kanilang ­kabuhayan.

Pero sa kabila ng masaklap na inabot ng ilan ­nating kababa­yang tinamaan ng pagsabog ng ­Bulkang Taal ay nagkalat ang ­masasayang ­kuwento.

Mga kuwentong magpapangiti sa iyo kahit na nahaharap ka sa panibagong hamon sa buhay.

Paano naman ay nagkalat ngayon sa social media ang mga taong may magandang kalooban.

Mga ­kababa­yan nating sa sarili nilang kaparaanan ay gumagawa para tulungan ang mga kababayang apektado ng pagsabog ng Bulkang Taal.

Hangad nating ­rumami pa sila upang mas maging magaan para sa kalooban ng mga biktima ng pagsabog ang pagharap sa bagong buhay.

Kasabay nito ay nais kong manawagan sa ilang kababayan na­ting sumisira sa ­tulungang nangyayari sa pamamagitan ng pagpapakalat ng mga pekeng impormasyon at mga larawan.

Itigil po natin ito kung wala tayong ­buting magagawa.