Abante Tonite Interactive

Mga Grab driver naglabas ng sentimyento sa Kamara

By
2,563

Nagharap kahapon sa Kamara at sumalang sa isang dayalogo ang mga driver-partner ng Grab Philippines at si Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) Party-List Rep. Jericho Nograles.

Naglabas ng hinaing ang mga driver ng transport network vehicle service (TNVS) patungkol sa mga isyung kinakaharap ng kanilang sektor.

Ilan sa nagbulalas ng sentimyento sa ginanap na impromptu face-off ay ang Grab driver-partners na sina Marvin de Belen at Ma. Janina Pineda.

“We cannot afford another reset of the (LTFRB) hearing. Palubog talaga kami ngayon,” sabi ni De Belen.

Binanggit ng mga driver na P200 hanggang P300 na lamang ang naiuuwi nila sa kanilang pamilya matapos tanggalin ang P2 kada minutong singil sa pamasahe.

Naghihimutok din ang mga driver sa mataas na presyo ng produktong petrolyo. Napupunta rin anila ang kanilang kinikita sa hulog sa ibinibiyaheng sasakyan.

“I believe nag-file ang Grab ng fare hike noong January. Pending sa LTFRB ito. Siguro bilang isang congressman, kaya ko naman sigurong i-pressure ‘yung LTFRB para i-resolve ito. Dahil nasa kanila eh, wala ito sa Kongreso.
Hindi po ako against or ayaw ko pong tumutol sa any petition ninyo na humihingi na iakyat ang inyong mga fares. Hindi po ‘yun ang stand ko. Ang stand ko lang po ay masunod ang batas…kung gusto mag-apply, like ‘yung P2 per minute na ‘yan, sige go ahead, apply,” giit ni Nograles.

Gayunpaman, ipinunto ng solon na iligal ito dahil nilaktawan ng Grab Philippines ang direktiba ng LTFRB sa paniningil ng P2 per minute.

“Pero ‘yung ginawa nila na pag-implement na walang pahintulot sa LTFRB, iligal po ‘yun. Hindi ko po pwedeng palampasin ‘yun,” ani Nograles.