Abante Tonite Interactive

Mga Grab driver ngumangawa!

By , ,
1,697

Kung dati-rati’y napakadaling kitain para sa kanila ang tatlong libo (3,000) kada araw, ngayon ay masaya na kapag pumalo sila ng malinis na sanlibong piso.

Ito rin ang dahilan kung bakit kaliwa’t kanan ang paglabas ng mga kotseng pampasada.

Sa ngayon?

Sus ginoo, kalunos-lunos diumano na ang katayuan ng mga kapatid nating transport network driver.

Ayon sa ating kaibigang Ting Manginsay na isang super satisfied Grab driver ng ‘dalawang buwan’ partikular noong buwan ng Enero at Pebrero nga­yong taon, halos may isanlibong unit na ang napo-foreclose ng BDO lamang na bangko.

Doon lamang diumano siya nakaranas ng kaginhawaan sa buhay pati sa buwanang panghulog sa unit niya.

Hindi dahilan aniya ang pagpasok ng mga bagong TNC gaya ng Owto, Hype, Micab at iba pa dahil hindi pa naman umano in full operation ang mga ito.

Bagkus, aniya pa ang tahasang panghihimasok o pakikialam ng Kongreso sa pangunguna aniya ni Cong. Nograles ng PBA na nag-imbestiga ‘in aid of legislation’ sa pagpataw ng Grab ng 2 pisong dagdag kada minuto ng biyahe.

Kung dati ay nakakasingil sila ng P350 mula La Salle Taft hanggang Makati, ngayon daw ay nasa P150 na lamang.

Nawala rin umano ang mga insentibo na kapag masipag bumiyahe ay makatanggap ang isang Grab driver ng hanggang P4,000.

Ngayon?

Sus ginoo, aniya, masuwerte na kung makatanggap sila ng P600.

Ito’y maitutu­ring na hazards of the trade para sa mga TNC. Maaaring mamayagpag ngayon, bukas kagipitan naman.

Sa ganang ating at in fairness kay kaibi­gang Ting at iba riyang naghahanapbuhay lamang, tama rin naman ang ginagawa ng kongresistang Davaoeno – ang depensahan at pangalagaan ang kapakanan ng ride hailing public.

Nakita na siguro itong parating kung kaya minabuti ng Uber na ipaubaya sa Grab ang negosyong ito.