Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga grocery item dinodoktor expiration

0 229

Sinalakay ng National Bureau of Investigation ang isang warehouse sa Laguna ng isang sindikato na umano’y nagpapalawig ng mga expiration date ng ilang kilalang food product at energy drink.

Bitbit ang search warrant, ni-raid ng NBI-Task Force Against Illegal Drugs ang bodegang nakalista bilang Market Reach International Resources Corp. sa Gerodiaz St., Barangay San Antonio, San Pedro para sa umano’y pagbabago ng label ng ilang produkto.

Pinosasan ang dalawang Indian national na sina Jiten Lalwani at Naresh Kummar, ang umano’y mga mastermind sa nasabing pagpapalawig ng expiration dates.

Nirekomenda ring kasuhan ang mga Pinoy manager ng kompanya, gayundin ang board of directors at iba pang nakalistang mga opisyal ng kompanya na wala nang mangyari ang raid.

Ang mga kaukulang indibidwal ay kinasuhan ng paglabag sa Consumer Act at Food Safety Act.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Samantala, ilan sa mga nakitang binabago ang expiration ay ang Knorr at Cheez Whiz.

Gumagamit umano ang sindikato ng makinang kayang burahin ang mga marking sa produkto at sulatan ito ng bagong extended expiration date sa label.

“Workers of the said company were caught inflagrante delicto altering the production and expiry dates of various food products,” base sa report ng NBI.

Sabi naman ni Atty. Jonathan Galicia, pinuno ng NBI-TFAID, ang mga ginalaw na produkto ay ibinebenta hindi lang sa Pilipinas kundi abroad din, batay sa mga natagpuang dokumento sa warehouse. (Nancy Carvajal)

Leave A Reply

Your email address will not be published.