Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga gumagalang anino sa condo

0 262

Ni Rey T. Sibayan

Mga ka-#Misteryo kayo ba ay binulabog na ng mga gumagalang anino sa inyong tinitirhan? Yan ang paksa natin ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”

Si Ramil ng Quezon City ay dumulog sa Misteryo tungkol sa nakikita niyang mga anino tuwing hatinggabi. Inamin ni Ramil na takot siya at mukhang ang mga anino na nakikita niya ay mga kampon ng kadiliman at kinukuha ang mga kaluluwa ng mga pumanaw sa pandemya.

Misteryo: “Kailan mo pa ba nakikita ang mga aninong ito? Mga anong oras mo sila nakikita?”

Ramil: “Nagsimula nitong 2020 mula ng magka-pandemya. Noon paminsan-minsan ko lang nakikita pero ngayon mas madalas at mas marami. Usually, nakikita ko sila midnight hanggang alas-3 ng madaling araw.”

Misteryo: “Sila ba ay nakikita mo sa labas ng bahay mo o sa loob?”

Ramil: “Sa labas may mga nakikita ako lalu na pag nagda-drive ako pero sa condo namin madalas kahit sa loob ng unit ko nakikita ko sila.”

Misteryo: “May mga nabalita ka na bang mga namatay sa mga katabi mong unit o sa mga kalapit niyong kapitbahay?”

Ramil: “May reported nang namatay sa ibang unit pero hindi ko alam kung dahil sa covid-19 pero sa labas ng condo o sa neighborhood ewan ko lang baka meron na rin.”

Misteryo: “May malapit bang sementeryo sa inyo o kaya ay simbahan, o malapit ba sa tubig, kanal o ilog?”

Ramil: “Walang malapit na sementeryo pero may nadadaanan ako malayo lang sa condo. Simbahan meron medyo may kalayuan. Ilog I think meron.”

Misteryo: “Gusto ko sanang alamin kung saan posibleng galing ang mga nakikita mong anino. Posibleng mga gumagalang kaluluwa o multo mga yan. Kung bakit anino sila kasi earthbound sila. Maaaring kaluluwa sila ng mga namatay dahil sa pandemya.”

Ramil: “Ganun ba yun? Inisip ko kasi mga demonyo, mga sundo o engkanto sila na gusto mambiktima.”

Misteryo: “Pwede rin ang mga sinasabi mo pero kung demonyo hindi dapat passive o random ang manifestation. Kung mga sundo maaaring hindi kasi wala naman masyadong mga namatay sa condo niyo. Kung engkanto depende kung may mga puno sa paligid.

Ramil: “Sana nga matapos na itong pandemya. Nakakatakot kasi•”

Kayo baka may karanasan kayo ng kababalaghan, mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at Abante.com.ph

Leave A Reply

Your email address will not be published.