Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga guro ‘di pa natatanggap P300 allowance sa DepEd

0 64

Inatasan ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) ang Department of Education (DepEd) na bilisan ang pagre-reimburse ng P300 per month na communication expense sa mga guro.

Nakatanggap na umano sila ng maraming reklamo mula sa mga guro na hanggang ngayon ay hindi pa nakakakuha ng kanilang allowance.

Ayon kay ACT Secretary General Raymond Basilio, masyado nang ginigipit ang mga guro sa kakulangan sa pondo para sa mga paaralan at maging ang kanilang abono ay hindi pa rin nakukuha.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa ilalim ng DepEd Order No. 38, na inisyu noong November 2020, naglabas ng panuntuan ang DepEd na maaari nang makuha ng personnel ang kanilang reimbursement na P300 kada buwan na konsumo noong Marso hanggang Disyembre 2020.

Kaya naman pinamamadali ng grupo ang DepEd na paburan naman ang mga guro sa kanilang naaantalang benepisyo tulad ng performance-based bonus mula 2019 at service recognition incentives ng 2020.

Sinabi naman ni Teachers’ Dignity Coalition (TDC) Secretary General Emmalyn Carpio na huwag nang pahirapan pa ang mga guro sa halagang P300.

Bukod dito, kailangan pa nilang maglaan ng proof of purchase o resibo sa biniling prepaid card o postpaid line na gamit mula sa communication expenses. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.