Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga guro sa ECQ, MECQ may hazard pay

0 158

Makakatanggap ng abot sa P500 hazard pay ang mga public school teacher sa mga lugar na nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) at modified ECQ.

Ayon sa Department of Education (DepEd), nakasaad ito sa Administrative Order No. 26 na nagbibigay ng hazard pay para sa mga government worker.

SM food to go Banner Ad

“Ang ating mga empleyado under MECQ or ECQ, kapag kayo ay pinapasok, eligible sa hazard pay,” sabi ni DepEd Undersecretary Annalyn Sevilla.

Aniya pa, makakatanggap ng P500 ang mga guro sa Setyembre para sa kanilang annual medical exam at P1,000 naman sa Oktubre para sa World Teachers’ Day.(Raymark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.