Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga guro sa halalan may umento

0 48

Isinumite na sa Commission on Elections (Comelec) en banc ang rekomendasyon para sa pagbibigay ng dagdag na honoraria sa mga guro na nagbigay ng overtime service sa halalan na idinaos nitong Mayo 9.

Base sa rekomendasyon ni Commissioner George Garcia, ang mga tatangap nito ay ang mga guro at support staff na nakatalaga sa mga presinto kung saan mayroong mga vote counting machines (VCM) at SD cards na pumalya.

Ipinahayag naman ni Comelec acting spokesperson Rex Laudiangco na positibo naman ang tugon ng en banc sa rekomendasyon na umento sa honoraria.

SM food to go Banner Ad

Hindi tatawaging overtime pay ang dagdag na bayad dahil wala umano silang karapatan na magbigay nito.

“It may be called additional honoraria, it may be called additional service incentives. `Yan po `yong pinag-aaralan natin. But definitely it will only be given to those identified to have been delayed by the issues in the VCM,,” sabi ni Laudiangco. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.