Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga guro sa `Pinas kulelat sahod

0 66

Dapat pagbigyan ng administrasyon ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. ang kahilingan ng mga guro para sa dagdag na suweldo na isa sa pinakamababa sa Asya.

Ayon kay Senador Sherwin Gatchalian, matagal na dapat binigay ang umento para sa mga guro at kailangang bigyan ito ng prayoridad ng susunod na administrasyon.

Inilahad pa ng senador sa isang panayam ng CNN Philippines na tiningnan nila ang salary average ng mga guro sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at isa ang Pilipinas sa pinakamababa ang pasahod.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“In fact, we are third to the lowest in terms of salaries being given to our teachers,” sabi ni Gatchalian.

Pinakamataas aniya sa Indonesia na ang entry level ay nasa P60,000 na mas mataas kumpara sa Singapore.

“I do agree that we should increase teacher salaries, so we can deter from being third to the last in the ASEAN. So we can at least enter the median level in the ASEAN,” dagdag pa ni Gatchalian. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.