Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga gusto ko sa Bagong Taon

0 81

Bagong taon 2021 na po sa makalawa, Biyernes, Enero 1.

Katulad po nang nakagawian na ng Turning Point buhat noong 2017 dito sa Abante TONITE Sports, may mga dalangin po ako sa ating Dakilang Diyos na gusto kong mangyari para sa Philippine sports, lalo na sa mga atleta.

Narito po ang ilan sa kanila:

Weightlifter Hidiyln Diaz – Hindi lang mag-qualify kundi magkamit ng gold medal sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na ni-reset lang sa Hulyo 2021 sanhi ng pandemya. Iron a kasi ang pang-apat at huli na niyang quadrennial sportsfest makaraang mag-silver sa 2016 Riode de Janeiro Olympics.

Gymnast Carlos Edriel Yulo – Makagintong medalya rin sana sa Tokyo Games dahil sa malaking gastos na sa kanya ng Philippine Sports Commission (PSC) at pag-aasikaso ng Gymnastics Association of the Philippines (GAP) sa ilang taong pagti-training sa Japan.

Boxers Eumir Felix Marcial at Irish Magno – Sawa na ang Diwang Kayumanggi at ang Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) sa silver at bronze medals sa mga nakaraang Olimpiks, kaya dalangin kong gold na ang maupakan ninyo.

Mary Joy Tabal – Makapasa sa Olympic qualifying women’s marathon para sa ikalawa niyang Olympics. At suntok man sa buwan, nawa’y makamedlya sa maaring graceful exit na sa national team ng pinakamagaling na lady marathoner natin sa may 52 taong kasaysayan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.