Abante Tonite Interactive

Mga gustong umapak sa West Philippine Sea, sasamahan ko — Duterte

By
2,008

Hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang oposisyon at mga kritiko na pumunta sa West Phi­lippine Sea (WPS) kung naghahanap ang mga ito ng giyera.

Tugon ito ng Pangulo sa puna ng oposisyon na dapat sa WPS ito nagpunta sa halip na sa Philippine Rise. Aniya, handa niyang samahan ang oposisyon sa naturang lugar kung hihingin ng pagkakataon.
Pero ayon sa Pangulo, wala siyang balak na maghanap ng away sa China dahil batid niya ang kapasidad at kakayahan ng mga sundalo ng bansa kung makipag-giyera sa China.

Muling inulit ng Presidente ang naunang pahayag na darating ang araw na igigiit niya sa China ang karapatan ng Pilipinas batay sa arbitral ruling na napagtagumpayan ng dating administras­yon at may usapan na sila ni Chinese President Xi Jinping.

“Sabi niya, okay lang pero huwag ngayon because if we do that, there will be trouble. So if you are a Chinese, what do you mean by there will be trouble? There will be war,” dagdag pa ng Pangulo.