Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga Hagikgik sa Hatinggabi

0 117

Ni Rey T. Sibayan

Mga ka-Misteryo nakarinig na ba kayo ng mga hagikgik…lalu na sa hatinggabi? Yan ang paksa natin ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”

May mga taong sa gabi ay gising at aktibo. Sila ang kilala sa tawag na ‘nocturnal person’ na nagiging araw nila ang buong magdamag habang tulog naman sa araw. Pero isang hatinggabi habang busy sa kanyang pag-I-internet, ay biglang nakarinig ng mga hagikgik si Bernard sa kabilang silid.

Yan ang isinangguni ni Bernard ng Mandaluyong sa #Misteryo.

Misteryo: “Paano mo narinig yung mga hagikgik sa hatinggabi? Anong tono ng hagikgik? Naglalaro ba? Nang-iinis ba?”

Bernard: “Teka, meron palang iba’t ibang klase ng hagikgik? Parang nang-iinis na naglalaro yung tono ng hagikgik na narinig ko.”

Misteryo: “Minsan mo lang ba ito narinig o maraming beses na? Sa tuwing anong oras mo naririnig?”

Bernard: “Ilang beses ko na rin naririnig pero hindi ko lang pinapansin. Usually kasi pag nakarinig ako ng hagikgik akala ko mga bata lang sa labas na naglalaro lalu na kapag mga alas-6 hanggang alas-9 ng gabi. Heto mas malakas ko narinig kasi hatinggabi na.”

Misteryo: “Bukod sa hagikgik na naririnig mo. Nawawalan ka ba ng gamit sa bahay? Yung alam mo naman kung saan mo inilagay ang gamit pero bakit nawalang parang bula kung kailangan mo na.”

Bernard: “Madalas ako mawalan ng gamit sa bahay at karamihan hindi ko na talaga makita. May time lang nakikita ko yung iba like ballpen or keys pero nakikita ko after a week, the worst after a month. Ewan ko ba. Sabi ng iba baka daw may kasama akong duwende sa house.”

Misteryo: “Exactly yun ang tumbok ng questions ko sayo, baka mga duwende yan pero sana hindi ka naman nila sinasaktan.”

Bernard: “Hmmm teka sila din kaya ang may gawa ng mga maliliit na sugat sa braso ko kasi may time pag ligo ko biglang may mahapdi yun pala may sugat ako. Inisip ko naman ako may gawa nun.”

Maaaring mga duwende nga ang may gawa ng mga sugat ni Bernard. Pero depende yan kung ano ang trato ng mga tao sa maliliit na nilalang na ito. Baka naman nasasagi natin sila at hindi tayo nagpapasintabi. Mainam din na I-acknowledge natin presence nila at kausapin.

Para sa inyong mga kuwentong karanasan ng kababalaghan, mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph.#

Leave A Reply

Your email address will not be published.