Abante Tonite Interactive

Mga health worker hatid sundo ng mga pulis

349

Iiskortan ng mga pulis ang mga health workers papasok at pauwi mula sa mga ospital na pinagtatrabahuhan para matiyak ang kaligtasan laban sa pambabastos at diskriminasyon na kanilang nararanasan.

Tiniyak ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na gagawin ang lahat ng
hakbang upang mapangalagaan ang kaligtasan ng mga frontliner na tumutulong na labanan ang pagkalat ng COVID.

“All measure of the law will be applied against those who harm health workers. “ sabi pa ni Nograles.

”There are daily bus routes around Metro Manila and suburbs to serve as transport services for our health workers and PNP provides escort,” dagdag pa nito.

Tonite – Wendys Inhouse Ad