Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga health worker tuturukan ng 3rd dose vs virus

0 109

Inihayag ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na plano ng pamahalaan na simulan ang pagtuturok ng third dose ng COVID-19 bakuna para sa mga health worker at iba pang `vulnerable sector’ sa Nobyembre o unang linggo ng Disyembre.

“Ito po pine-prepare na namin ni (Health Secretary Francisco) Duque, dahil nagbigay na po ng inclination ang WHO (World Health Organization), na ‘yong ating vaccination for third dosing, considering na magla-lapse na po ‘yong immunity,” paliwanag ni Galvez sa `Talk to the People’ ng Pangulong Rodrigo Duterte.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Samantala, hinihintay na rin ng Department of Health (DOH) ang opisyal na rekomendasyon mula sa WHO para sa pagbibigay ng karagdagang doses ng bakuna sa mga immunocompromised person, senior citizen at mga healthcare worker.

Inaasahan ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ilalabas ng WHO ang pinal na rekomendasyon sa Nobyembre. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.