Abante Tonite Interactive

Mga herbal para sa rayuma

571

Kung ikaw ay nakakaranas na ng rayuma, may mga alternatibong gamot kang magagamit para rito.

Ang mga sumusunod na herbal ang siya mong mapapakinabangan para maibsan ang iyong rayuma.

1.LUYANG DILAW
Ang luyang dilaw ay may malaking epekto sa mga implamasyon sa ating katawan. Tulad ng karaniwang luya na ginagamit natin sa ating pagluluto, ang luyang dilaw ay malaking tulong din sa pagpapahupa ng pa-nanakit ng ating kasukasuan dahil sa rayuma. K­ailangan mo lamang itong ilaga at gawing salabat saka mo inumin tuwing umaga.

Related Posts

2.TANGLAD
Ang tanglad naman na ginagamit natin na pampabango sa ating pagkain at pantanggal ng lansa ay mapapakinabangan din natin bilang panlaban sa mga pananakit ng iba’t ibang bahagi ng ating katawan tulad ng rayuma. Ang langis na makukuha mula rito ang siya mong ihahaplas at imamasahe sa iyong kasukasuan.

3.SAMBONG
Ang katas ng dahon ng sambong ay mainam din para sa pagpapahupa ng implamasyon sa ating katawan. Kailangan mo lang ilaga ang dahon ng sambong at ibabad sa pinaglagaan nito ang iyong paa. Hintayin na manuot sa iyong paa ang katas ng halaman hanggang sa umepekto ang bisa nito.

4.BAYABAS
Kilala naman ang bayabas bilang her-bal na mara-ming kayang gamutin. Isa na rito ang implamasyon tulad ng rayuma. Napakasimple lamang ng pamamaraan para magamit ito. Dikdikin mo lamang ang dahon hanggang sa may lumabas na katas at siya mong itapal sa iyong mga kasu-kasuan na siyang apektado ng rayuma.

5.MALUNGGAY
Ang malunggay naman ay kilalang kilala bilang gulay na masagana sa sustansya at bitamina. Kaya naman hindi na nakapagtataka kung magkaroon din ito ng kapakinabangan bilang herbal. Ang regular na pag-inom sa pinaglagaan ng buto o dahon ng malunggay ay may malaking tulong para maibsan ang pananakit ng kasukasuan dulot ng rayuma. (Geraldine Monzon)