Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga heritage tree proteksyunan – Pulong

0 197

Dahil sa nararapat maprotektahan ang mga Heritage na o mga puno na mahalaga sa biodiversity ng bansa, naghain ng panukalang batas na House Bill No. 7804 or “Heritage Tree Act fo 2020” si presidential son at Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte kamakailan.

“Sa kabila ng maraming mga individual or organisasyon ang natulong upang mapangalagaan ang “Heritage Trees” sa bansa. Dapat pa din tayo magkaroon ng mga batas upang mapangalagaan ang puno na ang ilan ay daang taon na gulang nito,” paliwanag ni Rep. Duterte.

SM food to go Banner Ad

Hinalimbawa ng mambabatas ang 300 taong gulang na puna ng Philippine Rosewood o “Toog” sa San Francisco, Agusan del Sur kung saan nanganganib maputol.

“Ito ay isang matatag at malusog na puno, kailangan ay maalagaan ang puno na tulad nito imbes na putulin,” dagdag ni mambabatas.

Naniniwala ni Rep. Pulong na mahalaga ang maisabatas agad ang proteksyon para sa mga Heritage Trees lalo pa at ang mga puno ang isa sa sulosyon sa climate change bukod pa na ito ay isang cultural heritage. Ang batas na na hinain ni Rep. Duterte ay magiging kapaki-pakinabang sa bansa ayon sa mga ekspertong environmentalist.

Leave A Reply

Your email address will not be published.