Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga Higante, Naispatan sa Mga Ulap

0 506

Ni Rey T. Sibayan

Mga ka-Misteryo pambihira ang karanasan ni Norman ng Marikina nang maispatan niya ang aniya’y mga higante sa kaulapan. Yan ang ating paksa ngayon, “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”

Hindi pangkaraniwang araw para kay Norman nang paggising niya ay tila nagbabadya ang pag-ulan sa umaga.

Nakagawian niyang dumungaw sa bintana para tumingala at tignan ang Kalangitan sabay pasasalamat sa Poong Lumikha sa bagong araw ng kanyang buhay.

Pero nabigla siya sa nakita sa likod ng mga ulap tila may mga malalaking tao na nakayuko at nakatingin sa lupa at tila may pinagmamasdan sa di kalayuan sa kanyang lugar.

Ito ang inusisa ng #Misteryo kay Norman.

Misteryo: “Baka naman yung nakita mo ay mga hugis mukha ng tao sa ulap?”

Norman: “Hindi ganun eh saka alam ko yung parang mukha sa mga ulap, itong nakita ko hindi ganun may katawan sila pero malalaki hindi ko lang makita yung buo nilang hitsura.”

SM food to go Banner Ad

Misteryo: “Anong ginawa mo nang makita mo sila?”

Norman: “Siyempre nabigla ako at na-amaze ako kasi hindi ko akalaing makikita ko sila.”

Misteryo: “Paki-describe mo yung nakita mo sa ibabaw ng mga ulap.”

Norman: “I think mga tatlo sila magkakatabi hindi ko malaman kung lahat sila babae o lalaki kasi mahahaba ang mga buhok. Hindi ganun ka-clear yung hitsura nila parang foggy pero nakikita ko yung hugis o shape nila.”

Misteryo: “After nun may na-experience ka pa ba sa kanila?”

Norman: “Wala na brod yung lang hindi ko malaman kung ano ginagawa nila pero nakayuko sila at parang nagmamasid sa Lupa.”

Maniwala man tayo sa hindi may mga pagkakataon na nagpapakita ang mga higanteng nilalang sa ating dimensyon. May mga nakausap na din ang Misteryo ng mga tao na nakakita sa kanila ngunit sa pambihirang pagkakataon tulad ng ganitong karanasan ni Norman.

Para sa inyong mga kuwentong karanasan, mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph

Leave A Reply

Your email address will not be published.