Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga hinagupit ni ‘Odette’ kinokotongan

0 204

Inutusan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang Visayan Electric Company (VECO) ng mga Aboitiz na imbestigahan ang nirereklamo ng mga customer nito na pangongotong umano ng mga tauhan nito na kumakalat sa social media.

Sa isang pahayag, sinabi ng ERC na nakababahala na ang dumadaming alegasyon ng pangongotong ng mga contractor ng VECO o ng mga volunteer nito sa mga taong nawalan ng kuryente noon pang tumama ang bagyong ‘Odette’ sa bansa.

Sabi ng ERC, pinagsusumite ang VECO ng resulta ng imbestigasyon nito sa loob ng 15 araw.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang VECO ay ang pangalawang pinakamalaking power distributor sa bansa, sumunod lamang sa Manila Electric Company o Meralco.

Ayon sa ERC, base sa reklamo ng mga consumer, kaya hindi pa nababalik ang kuryente sa ibang lugar sa Cebu ay hindi dahil sa nasira ang transmission lines kundi dahil sa humihingi muna umano ng lagay ang ibang tauhan ng VECO para maibalik ang kanilang kuryente at mauna sa pila ng mga ire-repair. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.