Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga hog farmer humirit P360 limit sa presyo

0 129

Umapela nitong ang National Federation of Hog Farmers (NFHF) sa pamahalaan na gawing P330 hanggang P360 ang price cap sa karneng baboy upang hindi naman umano sila malugi.

“Wiling naman tayong mag-adjust do’n sa presyo. Huwag lang pong masyadong bigla,” ayon kay Chester Warren Yeo Tan, presidente ng NFHF sa isang panayam sa radyo.

Aniya, bilang pribadong sektor at stake holder ay hindi rin naman sila sang-ayon sa P400 hanggang P450 presyo ng kanilang produkto dahil sobrang napakamahal ito para sa mga kostumer. Dagdag nito, dahil sa pagpataw ng gobyerno ng price ceiling sa karneng baboy at manok, marami umanong vendor ang hindi nagtinda nitong Lunes.

“Sa ngayon po, we consider this industry a high-risk business. Wala pong gustong pumasok dito sa industriya,” ani Tan.

Magugunitang nitong nakaraang linggo, ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatupad ng price ceiling sa karneng baboy at manok sa Metro Manila, base sa ilalim ng Executive Order 124, na may price cap na P270 ang kada kilo ng kasim at pigi, P300 ang kada kilo ng liempo, at P160 ang kada kilo ng manok. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.