Abante Tonite Interactive

Mga Honda worker inalok ng tripleng separation pay

436

Siniguro ni Labor Secretary Silvestre Bello III na makatatanggap ng magandang separation pay ang higit 380 manggagawang maaapektuhan ng nakaambang pagsasara ng assembly plant ng Honda Cars Philippines (HCPI).

“Under the law, when a company closes, it should give a separation pay of half month for every year of service. But Honda’s offer is one and a half month for eve­ry year of service,” sabi ni Bello.

Ayon sa kalihim, mas mataas umano nang tatlong beses sa hinihingi ng batas ang alok na ito ng HCPI.

Iniimbestigahan na rin umano ng kanyang ahensiya ang ­rason ng pagsasara ng kompanya na nagsimula ang operasyon sa ­Pilipinas noong 1992. (PNA)