Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga hotel owner group pinuri ang ‘lifting’ sa NCR staycation ban

0 177

Ikinatuwa at pinuri ng Philippine Hotel Owners Association (PHOA) ang pamahalaan nang alisin na nito ang paghihigpit sa ‘staycations’ sa National Capital Region (NCR), matapos isailaim sa ‘more relaxed’ na Alert Level 3 mula October 16 hanggang 31 ang rehiyon.

Sa inilabas na statement, sinabi ni PHOA Executive Director Benito Bengzon na ang pag-alis sa paghihigpit ay labis na ikinagalak ng hotel sector dahil makatutulong sa industriya na makabawi sa malaking halaga na nawalang kita nila nang ipatupad ang ‘hard lockdowns’ dahil sa pagtaas ng Delta coronavirus variant noong Agosto.

“We are optimistic that the relaxed alert level in the National Capital Region will result in greater demand among hotel guests and boost the establishments’ revenues in the last quarter of 2021,” ayon kay Bengzon.

“On behalf of all PHOA members, we commit our support to the government’s efforts for the safe and steady restart of the tourism industry,” ani Bengzon.

Aniya, umaasa ang PHOA na tuloy-tuloy na ang pagpayag ng pamahalaan sa ‘staycation’ na magba-balanse sa kalusugan at ekonomiya sa bansa.

SM food to go Banner Ad

“This will pave the way for a sustained economic recovery, not only in the hotel industry but also in other business sectors,” dagdag pa ng PHOA Executive Director.

Ang lahat ng mga guests, bata man o matanda ay maaari nang mag- check-in para sa staycation sa mga akreditadong hotels sa Metro Manila, pero ang mga wala pang bakuna kontra COVID- 19 ay kinakailangang magsumite ng ‘negative reverse transcription-polymerase chain reaction o RT-PCR na isinagawa nang hindi hihigit sa 48 hours bago mag- check-in.

Ayon naman sa Department of Tourism (DOT), ang mga accredited hotels na may ‘certificate of authority to operate for staycation’ o CAOS at government-issued safety seal certification ang papayagang makapag-accommodate ng mga staycation guests.

Sa listahan ng mga hotel na pinayagan ng DOT ay ang Grand Hyatt Hotel, Okada Manila Hotel Shangri-la at the Fort, Nobu Hotel, Joy Nostalg Hotel & Suites Manila, EDSA Shangri-la Manila Solaire Resort, Hyatt Regency, Nuwa Hotel of City of Dreams, The Peninsula Manila, Aruga by Rockwell, Sheraton Manila Hotel, Hilton Manila, at Hotel Okura Manila.

Kabilang rin ang Conrad Manila, Diamond Hotel Philippines, Discovery Primea, Discovery Suites, Fairmont and Raffles Hotel, Makati Diamond Residences, Marco Polo Hotel, New World Hotel Makati, Sofitel Philippines Plaza, Holiday Inn & Suites Makati, Century Park Hotel, Novotel Manila Araneta City, The Bellevue Manila, Acacia Hotel Manila, at Belmont Hotel Manila. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.