Abante Tonite Interactive

Mga hotel, resto tinaningan sa plastic ban ng QC

338

Lahat ng hotel at restaurant sa Quezon City ay binigyan ng hanggang Hulyo 1, 2020 upang ganap na sumunod sa ordinansa na ipinagbabawal ang paggamit ng mga plastic na gamit o disposable material sa mga kumakain.

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte kanya nang inaprubahan ang rekomendasyon ng Environmental Protection and Waste Management Department (EPWMD) na ipagpa­liban ang petsang Pebrero 15, 2020 kaugnay sa pagpapatupad ng Ordinance No. SP-2876 S-2019 sanhi ng kinakaila­ngang ‘logistical adjustment’ sa parte ng mga establisimyento.

Aniya, nauunawaan nila ang sitwasyon kung kaya’t bibigyan ng sapat na panahon ang mga establisim­yento para makasunod sa ordinansa.

Pagkatapos aniya ng Hul­yo 1, 2020 ay kanila nang ipatutupad ang bagong ordinansa para sa plastic ban.
(Riz Dominguez)