Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga hotel staff ‘di palalabasin

0 138

BUKOD sa mga Philippine Basketball Association (PBA) player at coach, kulong rin sa bubble event ang mga hotel staff, driver at security sa pro league restart ng Philippine Cup eliminations sa Oktubre 11.

SM food to go Banner Ad

Ayon nitong Linggo kay Clark Development Corporation (CDC) president Noel Manankil, hindi lang ang mga atleta ang kailangang dumaan sa mahigpit na safety protocol kundi maging ang buong tauhan ng pagdarausan at tutuluyang lugar – Angeles University Foundation gym at Quest Hotel sa Clark, Angeles.

“Walang lalabas sa bubble,” saad ng opisyalm, na tiniyak ding mabibigyan ng sapat na accommodation ang personnel sa bubble event. “Maha-house din sila sa loob ng bubble katulad ng players.” (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.