Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga ICU hospital bet paramihin ng ACT As One

0 142

Sa tuloy-tuloy na banta ng pandemya, nararapat na magdagdag ng mas maraming level 2 na pampublikong pagamutan para sa malubhang kaso ng COVID-19.

Ito ang sinabi ni Atty. Gelo Tapales ng ACT As One na tumatakbong party-list sa Kongreso, na nagsabing isa sa prayoridad nila ang pagpasa ng panukalang batas na bubuo ng mas maraming ospital na may intensive care unit (ICU) sa kanayunan.

Aniya, ang pagbaha ng mga kaso ng Omicron variant ay patunay lamang na kailangang pang palakasin ang mga medical frontliner lalo na sa mga liblib at malalayong lugar.

“Ang aming panawagan sa ACT As One, magdagdag ng mas maraming pampublikong ospital na may kakayahang lunasan ang mga severe na cases ng COVID at iba pang sakit. Investment na rin ito sa kalusugan ng mga mamamayan at sa pangangalaga sa kapakanan ng maliliit na komunidad sa bansa.”

May tatlong uri ng hospital ayon sa laki at kagamitan – level 1, level 2 at level 3. Level 1 ang pinakabatayan na uri, at wala itong ICU at maaari lamang maggamot ng simpleng mga karamdaman.

Leave A Reply

Your email address will not be published.