Abante Tonite Interactive

Mga Igorot kay Imee: Mahiya ka, hindi mo kami pag-aari!

697

Kinondena ng grupong Progressive Igorot for Social Action ang sinabi ni Senator-elect Imee Marcos na magpapatawag siya ng mga Igorot para pasayawin upang mabendisyunan ang opisina ni outgoing Senator Antonio Trillanes IV na siyang magiging tanggapan niya sa pagbubukas ng 18th Congress.

Hindi nagustuhan ng grupo at maging ng ilang netizen ang pahayag ni Marcos na “Siguro magpapatawag ako ng mga Igorot naming dahil kailangan basbasan ang office ko dahil kay Senator Trillanes ang nabunot. So kung papaya si Sen. Trillanes, sasabihin ko kay Sonny makikisayaw kami sa mga Igorot namin para mabendisyunan ng todo.”

“May we remind Imee that there is no such things as “mga Igorot naming”. You don’t own us, and you never will,” pahayag ng grupo.

Pinaalala rin ng mga ito kay Marcos na sagrado para sa mga pinakamamahal nilang ninuno ang ritwal ng pagsasayaw.

“And Imee, asking the Igorot to dance for a blessing is a mockery of the sanctity of our rituals and traditions. We will not dance for you, because a dance for a Marcos is a dance for shame,” pagdidiin pa ng grupo.